August 1, 2010

Uno Agosto, dalawang libo at dyes

May pagbabagong dapat kong gawin sa araw na ito sa pagsisimula ng agosto. at heto ay ang iwan ang isang bagay na nagbibigay ng kaguluhan at walang kapayapaan sa aking puso. Alam mo ngayog umaga ay nauntog ako sa isang katotohanan na dapat ko na SIYANG iwan. dahil hindi tama ang aking ginagawa. Hindi ko na dapat siyang itetext kung di man lang nagtetext sa akin. o pupuntalan sa bahay na wala namang matinding dahilan. May sarili akong buhay at may sariling kakayahan na mahalin ang sarili at iba at hindi kailangang ilugmok ang sarili sa mga bagay na magsasabi na -- "WALANG NAGMAMAHAL, WALANG KUMAKALINGA" dahil ang totoo ang Panginoon ay sapat na upang makaramdam ako ng pagmamahal. Ayaw ko ng ulit mangyari iyon at ayaw ko na SIYANg mahalin. (siguro pagmamahal nalang ng isang kaibigan) dapat labanan ang damdamin. labanan ang mapaniil na damdaming naghahatid sa iyo ng walang kapayapaang kalooban. Bagong buwan, bagong tatahaking landas. kailangan kong iwan ang marumi at basahan, ang balukyot at masama para sa pagtahak sa payapa at tahimik na pamumuhay at batid ko malalabanan ko ito kasama ang Panginoon. Veni Sancte Espiritu.

2 comments:

Anonymous said...

I would like to exchange links with your site ginoongreggie.blogspot.com
Is this possible?

Mr. Reggie O. Cruz, M.A.Ed. said...

yes..