July 20, 2010

Komplekado

minsan kailangang ibulalas ang mga bagay na nasa kalooban para mapanatag ka.. isa na rito ang mga bagay na nararanasan ko ngayon.. (salamat na lang may sarili akong blogsite)
Nakakainis lang na may mga bagay na napakakomplekado pero kailangang kong lampasan para maging matatag ako. may mga pagsubok na nagpapahina sa iyong pananalig. minsan sumusuko na ako, minsan sinasabi ko ayaw ko na.. naguguluhan at minsan nalulungkot.. napakaraming dapat isaisip. kung hindi mo ako maintindihan ayos lang basta komplekado.. hindi ko alam kung malalampasan ko ito pero dapat may madadaanan akong lugar na makababalik ako sa daan na gusto kong piliin.. na mga pagkakataong payapa ka ay may manggugulo.. naintindihan ko ang mga iyon.. kaya sana malabanan ko.. sana..

No comments: