August 13, 2010

Hindi Permanente, walang kasiguraduhan

May pagkakataong maiisip mong bigla ang isang bagay - - - hindi mo angkin ang panahon pati ang oras, ang bawat sandali ay kailangang namnamin, pati ang mga sandaling kapiling mo ang mga taong nasa paligid, pati mga mahal sa buhay, ang mga masasayang sandali ay hindi mo maangking lubusan dahil may darating na kahinagpisan pagkatapos. Kung nagmamahal ka sa isang takdang panahon. hindi permanente, walang kasiguraduhan. Heto ang mga bagay na napagtatanto ko ngayong araw. Masakit mang isipin na hindi magiging sa iyo at maangking sa iyo ang isang tao. Hindi mo mahahawakan ang oras niya pati ang kanyang puso. Hindi mo masisiguro ang katapatan, hindi mo masisiguro ang kanyang kalooban ay para lang sa iyo. Bakit kaya ganyan? marami kang pagdadaanan, marami kang kalungkutang kailangang lampasan. Minsan mananaginip ka na lang na papanaw ang pinakamamahal mo- - na hahantong sa pagkalungkot ko. Na sa pagpunta sa kanila'y wala SIYA. Naintindihan ko ang takbo ng kanyang piniling daan. Pero bigla lang akong nalungkot na agaran ko namang isinulat dito sa blogsite ko. Totoong kapag umiibig hindi mo angkin ang lahat. Hindi magiging sa iyo kailangan man. Kahit bawal o hindi man. Kahit patago at lantad. Lahat ng iyan kukunin sa iyo. Lahat magiging bahagi na lang ng alaala na minsa'y pwede pang ulitin pero ang masakit kung hindi mo na mauulit pa. :-(

No comments: