kahit na pala bakasyon kabi-kabila parin ang problema. naiinis lang kasi ako na may mga bagay akong hindi magawa o di kaya'y hindi ko maiwasang umasa muna ako sa iba. nagayon nga kahit na hindi ko dapat alahanin si nanay ay kinakabahan ako para sa kanya kaso minsan kasi sa konting perang hinihingi ko ngayon ay minsa'y pinagkakait, pero kapag ninanakawan sila ng malaki katulad nung isang araw bigla-bigla nakita munang nagsasama na sila (ang tinutukoy ko dito ay ang tatay ko at ang aking madrasta) ninakawan ba naman ang tatay ko ng mahigit 60,000 piso tapos sa isang araw nagpakita at ang tatay ko namang luko-luko ay parang waqlang nangyari, ngayon nagsama na sila ulit. ayaw ko naman talaga humingi pero inaalala ko si nanay, unang-una wala siyang matitirahan, wala siyang taong magsusuporta sa kanya, gusto ko talagang hintayin yung ranking sa public school kasi gusto kong magturo sa public pero inaalala ko si nanay. ewan ko kay tatay kung bakit ako, na walang ginawa sa buhay kundi magpakabuti at makatapos ng pag-aaral at makikitang walang bisyo ay heto ako at hindi inaasikaso. biro mong dumating ba naman sa graduation ko last year ay tapos na ang program. ano iyon? pero iyong mga anak niya sobra niyang inaasikaso. at nung nakaraang kaarawan yung dalawa kong kapatid grabe ang ginasta sa kanila (as in!) pero bakit sakin parang wala lang!
hindi ba siya masaya sa katulad kong nagpapakasubsob ngayon ulit sa pag-aaral sa Graduate school tapos hindi ko siya binibigyan ng sakit ng ulo ay ako pa ang hindi niya pinapansin. ano ba ang ayaw niya sa akin? lagi kong pinapakita sa kanya ang mga kakayahan ko pero hindi niya iyon napapansin. anong klase siyang tatay!
No comments:
Post a Comment