Isang Pagbati!!! Dahil natuklasan mo ang isang lihim ng karunungan at pagpapahalaga... Isang mas malalim na pag-unawa sa daigdig na ating pansamantalang tinitirhan.. Maipagkaloob na maging isang Bahaghari ang iyong lingkod na masisilayan pagkatapos ng isang malakas na pagbuhos ng ulan... Maging liwanag sa mga sandaling nakakaranas ka ng kadiliman sa buhay... Maging pakpak na aakay sa inyong pangarap Dahil ang hangad ko lamang ang masilayan ka na nababahiran ng ngiti ang iyong mukha
May 17, 2007
Salamat
masaya ako ngayon dahil biglang nawala ang mga problema ko ngayon. para bang naawa sa akin si god at biglang humupa ang ulan sa aking pagkatao. dapat pala ay maging matatag ka sa lahat ng ginagawa mo at pagtiwalaan siya sa lahat ng iyong gagawin. ipaubaya mo sa kanya ang iyong mga pasanin at magtiwala sa kanya.. napatunayan kong higit na mapagmahal ang Panginoon at hindi ka niya pababayaan. maraming salamat po sa lahat ng inyong tulong sa akin Panginoon. higit ko po kayong minamahal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment