May 1, 2007

Kaarawan (Balikan ang Abril 28)

Naging normal ang lahat ng bagay sa pagdiriwang ng aking kaarawan, paano ba naman nalagay sa sabado at kasalukuyang kailangan kong mag-ulat sa isang sabjek ko sa M.A. sayang din yung libreng pagpunta sa TAGAYTAY. hinihimok ako ng isa kong dating kasamahan sa trabaho sa pagtuturo na sumama pero hindi nga pwede. wala lang talagang nangyaring maganda sa araw na iyon. may mangilan-ngilan na bumati pero parang hindi sapat iyon. sabagay napag-isip ko rin na talagang kapag dumaraan ang ganitong pagkakataong nagdiriwang ako ng kaarawan ay napakalungkot ng lahat at minsan para bang sinasadyang kailangan akong tangayin ng hangin at hayaang lumipad sa kawalan na hindi alam kung saan lumalop pupunta. naging masaya lang ako ng konti nung pagkatapos ng klase ay pumunta ako ng mcdo at bumili ng dalawang fried chicken at isang ice tea na nagkakahalaga ng 115 pesos hindi pa kasali ang extra rice doon. noong hapon naman mas lalo pang lumungkot ng hindi man ako binili ni tatay kahit isang ice cream man lang o dili kaya pansit pero pabayaan na lang iyon, kailangan ko iyong intindihin. kinuha ko na lang yung isang pack ng milo na binili nila sa kapatid ko (hindi nga nila alam na kinuha ko) at umuwi kay nanay sa mabalacat. at doon natapos ang napakasayang bertday....

21 years old na ang lolo ninyo...

No comments: