Daig ko pa ngayon ang walang tulugan!
Nagising lamang ako sa ganitong krusyal na oras, sinisipon ng konti at napakasama ng loob ko..
dahil lamang sa isang babae na nakilala ko lamang isang araw... bakit kaya may mga taong mahal mo pero walang bumabalik ni isang pagmamahal. mahal ka niya pero hindi mo siya mahal. mahal ninyo ang isa't isa pero hidi pa panahon ngayon dahil estudysnte mo nga. heto yung mga dilema na minsa'y kinakaharap ko ngayon... ramdam ko namn kapag may gusto ang isang tao sa akin o wala.. katulad kanina malamig yung nararamdaman ko walang anumang init akong naramdaman... buti pa nga yung nagmamahal sa akin... inaasikaso ako, minamahal, inaalagaan. konting bagay na nakitang may sakit agad gagawa ng paraan....
Nalungkot lang kasi ako dahil ganito ang kinasapitan ko ngayon...
Inspired pa mandin ako kaya nataps ko ang mga trabaho ko sa oras.. sabagay may kinahinatnan naman di ba? Hay buhay!!!!
No comments:
Post a Comment