Isang Pagbati!!! Dahil natuklasan mo ang isang lihim ng karunungan at pagpapahalaga... Isang mas malalim na pag-unawa sa daigdig na ating pansamantalang tinitirhan.. Maipagkaloob na maging isang Bahaghari ang iyong lingkod na masisilayan pagkatapos ng isang malakas na pagbuhos ng ulan... Maging liwanag sa mga sandaling nakakaranas ka ng kadiliman sa buhay... Maging pakpak na aakay sa inyong pangarap Dahil ang hangad ko lamang ang masilayan ka na nababahiran ng ngiti ang iyong mukha
March 25, 2009
Legionaryo na ako ng ating ina
Ang saya ng pakiramdam ko noong nakaraaang linggo Marso 22, 2009 dahil ganap ko ng maipaglilingkuran ang Panginoon sa daan ni Maria. ang nakakatuwa pang binigay sa akin ay ang naghasik sa akin ng patnubay at nag-bless sa akin ay si Bishop Florentino Lavarias. Talagang binigyan ako ng napakalaking kagalakan ang Panginoon. Bago kasi ang pagbibigay pangako ko sa legionaryo ay walang tao sa bahay at naramdaman ko namang nag-iisa ako... pero alam kong hindi ako nag-iisa dahil nandyan ang totoong ama at ina kong tunay akong pinapaligaya habang ako'y nabubuhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment