Isang Pagbati!!! Dahil natuklasan mo ang isang lihim ng karunungan at pagpapahalaga... Isang mas malalim na pag-unawa sa daigdig na ating pansamantalang tinitirhan.. Maipagkaloob na maging isang Bahaghari ang iyong lingkod na masisilayan pagkatapos ng isang malakas na pagbuhos ng ulan... Maging liwanag sa mga sandaling nakakaranas ka ng kadiliman sa buhay... Maging pakpak na aakay sa inyong pangarap Dahil ang hangad ko lamang ang masilayan ka na nababahiran ng ngiti ang iyong mukha
January 1, 2009
kung titignan mo naman ang konsepto ng pag-ibig
gusto ko lang ibulalas ngayon ang nararamdaman ko... lagi akong naghahanap ng pag-ibig sa aking nakakasalamuha at sa totoo lamang tutukain ko na lamang ang palay... pero hindi ko pa talaga nahahanap ang tunay na pagpapatibok nitong puso ko... maraming aspeto ang tinitignan ko... pero nasasaktan ako sa mga pinabibigo ko dahil ang ila'y pinapaasa ko... masaya ako kapag kapiling ang mga babae sa buhay ko pero hanggang doon lamang iyon... walang ano mang pag-ibig... kung mayroon man hindi ito ganap, papalit-palit hindi tuluy-tuloy... gusto ko na siyang makita... kung hindi ko man siya makita darating naman iyon... oo nga't maaari kong paibigin ang isang tao pero iba parin kung ikaw ang pinapaibig... kung ikaw mismo nararamdaman mo ng kusa, maari mong ipagmalaki at ipagyabang, ipagsigawan, ihayag sa madla... nalulungkot ako dahil nagpapatuloy ang sakit: mula sa akin, mula sa iba... kaya huwag ko na muna itong hanapin, ito'y kusa na lamang darating...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment