isang salitang minsan kinakapit natin sa sitwasyong hindi na natin kaya ang lahat, gaya ng kung hindi mo gusto ang isang bagay, kung yung ginagawa mo hindi kaya ng mentalidad mo at iba pa. tuloy ngayong linngo nababanaag sa akin ang kalumbayan.
may pagkakataon kasing sa pagtuturo ika'y napakasaya may pagkakataon naman na pulos walang halaga sa paningin ng iba tulad sa sitwasyon ngayong lunes, masakit ang aking nararamdaman dahil sa aksyon kong hindi ko naman sukat akalaing ganon kabigat ang maging kapalit.
hayagan na ang paminsan-minsang paggahasa ng iyong sariling kakayahan tapos sa bandang huli dahil isa kang guro pagkakamali mo pa. napakawalang-hiya naman ng tadhana ko bilang guro. tuloy nasambit ko ang salitang NAPAKAHIRAP! as in sobrang hirap. naisip ko kanina na parang gusto ko na lang mag-aaral sa masteral at doon mo isubsob ang oras mo. pero nang matanggap ko ang 13th month pay ngayon. nawalan ng konti yung tinik na naramdaman ko. ibibili ko na lang ito ng mga bagay na makapagsasaya sa akin.
No comments:
Post a Comment