Napaksayang pagkakataong may natutulungan kang tao lalung-lalo na sa oras ng kanilang dalamhati. tignan ang video nito at alamin ang mensaheng pinaparating nito sa atin...
Isang Pagbati!!! Dahil natuklasan mo ang isang lihim ng karunungan at pagpapahalaga... Isang mas malalim na pag-unawa sa daigdig na ating pansamantalang tinitirhan.. Maipagkaloob na maging isang Bahaghari ang iyong lingkod na masisilayan pagkatapos ng isang malakas na pagbuhos ng ulan... Maging liwanag sa mga sandaling nakakaranas ka ng kadiliman sa buhay... Maging pakpak na aakay sa inyong pangarap Dahil ang hangad ko lamang ang masilayan ka na nababahiran ng ngiti ang iyong mukha
January 17, 2009
January 14, 2009
Hanggang may nagtitiwala parin sa akin hindi ako titigil
Ang pamagat na iya'y isa sa mga nasambit ko sa III - Caimito habang parang nasa bilangguan ako't tumatalakay ng isang aralin sa tula. may sumisigaw, nagtetext, nagbibiruan, gumagawa ng takdang-aralin sa ibang asignatura, nagsasalamin lahat yata ng maaaring magpainis at magpainit ng ulo'y kanilang ginagawa. pangkaraniwan na itong sitwasyon sa kanilang buhay... walang ginagawa... parang ginawa lamang tambayan ang silid aralan... isang larawan ng paglulumo, kabigatan ng loob.
Isa sila sa aking prustasyon sa pagtuturo, nakakapanghina man madalas pero dito laging nasusubukan ang tatag ko sa pinili kong landas sa buhay... alam kong marami akong maibulalas sa kanila ng mga aralin sa Panitikan, maisasapusong konsepto sa buhay, maikakathang daloy ng akdang pampanitikang magpapabago sa kanilang pagkatao ngunit ito'y hindi nila pinapahalagahan bagkus pagbubuska, panlalait, panliliit sa sarili ang naibabato nila sa akin ----- at ang dahilan nito ay ang pagiging bata ko sa kanilang harapan isang 22 taong gulang na humihimok na makagawa ng pagbabago (Sino ba ako? kung gayon na walang ibinatbat sa mga higanteng gurong matagal ng nagtuturo sa paaralan)
Sa araw-araw na pagbabawal at pagkainis, pag-init ng ulo at minsa'y maghinahon at pakikipag-usap ng sarilinan at pangkatan ay nasambit ko ang mga salitang ito
"ALAM NINYO KAHIT HINDI KAYO MAKINIG, HINDI PA RIN AKO TITIGIL SA AKING GINAGAWA DAHIL MAYROON PARING NAGTITIWALA SA AKIN, AT SA MGA MAG-AARAL NA PATULOY NA NAGTITIWALA SA KAKAYAHAN KO SA PAGIGING GURO KO DOON KO HINUHUKOT ANG INSPIRASYONG MAIPAGPATULOY KO ANG LARANGAN NG PAGTUTURO" (sinambit ko ito sa boses na may katatagan at singlakas ng nakikipag-away sa palengke)
Bigla silang tumahimik, waring may katagang nasabi na nagpaupo sa malikot nilang katawan...
naibulalas ko ang sakit ng loob ang hilahil ng pagtuturo pero kahit mahirap man, may pasang krus kang dala hanggang may mga mag-aaral na nagbibigay sa akin ng inspirasyon na ako'y magaling, na kailangan pa nila ako, na nababahiran sa ilan-ilang mag-aaral ang kasiyahan, pag-iinitndi at pagmulat sa akin na masaya ang magtuturo ay magpapatuloy pa rin ako
DAHIL SILA ANG DAHILAN NG LAHAT NG ITO

January 1, 2009
kung titignan mo naman ang konsepto ng pag-ibig
gusto ko lang ibulalas ngayon ang nararamdaman ko... lagi akong naghahanap ng pag-ibig sa aking nakakasalamuha at sa totoo lamang tutukain ko na lamang ang palay... pero hindi ko pa talaga nahahanap ang tunay na pagpapatibok nitong puso ko... maraming aspeto ang tinitignan ko... pero nasasaktan ako sa mga pinabibigo ko dahil ang ila'y pinapaasa ko... masaya ako kapag kapiling ang mga babae sa buhay ko pero hanggang doon lamang iyon... walang ano mang pag-ibig... kung mayroon man hindi ito ganap, papalit-palit hindi tuluy-tuloy... gusto ko na siyang makita... kung hindi ko man siya makita darating naman iyon... oo nga't maaari kong paibigin ang isang tao pero iba parin kung ikaw ang pinapaibig... kung ikaw mismo nararamdaman mo ng kusa, maari mong ipagmalaki at ipagyabang, ipagsigawan, ihayag sa madla... nalulungkot ako dahil nagpapatuloy ang sakit: mula sa akin, mula sa iba... kaya huwag ko na muna itong hanapin, ito'y kusa na lamang darating...
Subscribe to:
Comments (Atom)