July 20, 2010

Komplekado

minsan kailangang ibulalas ang mga bagay na nasa kalooban para mapanatag ka.. isa na rito ang mga bagay na nararanasan ko ngayon.. (salamat na lang may sarili akong blogsite)
Nakakainis lang na may mga bagay na napakakomplekado pero kailangang kong lampasan para maging matatag ako. may mga pagsubok na nagpapahina sa iyong pananalig. minsan sumusuko na ako, minsan sinasabi ko ayaw ko na.. naguguluhan at minsan nalulungkot.. napakaraming dapat isaisip. kung hindi mo ako maintindihan ayos lang basta komplekado.. hindi ko alam kung malalampasan ko ito pero dapat may madadaanan akong lugar na makababalik ako sa daan na gusto kong piliin.. na mga pagkakataong payapa ka ay may manggugulo.. naintindihan ko ang mga iyon.. kaya sana malabanan ko.. sana..

July 15, 2010

Matagal at Mabagal

Maraming bagay ang pwedeng gawin ng mabilisan
1. kapag gusto mo ng makakain may -instant noddles, instant coffe etc.
2. Maghanap ng key o hint para makatapos at lumukso sa isang stage sa isang laro
3. Lalo na kung alam mong malalate ka biglang magbibilis at magsusuot ng uniporme.
4. kung gusto mong makagawa ng instant assign. -- punta ka sa pinakamalapit na kaklaseng maaasahan
5. Kung may pera ka (lagay) pwedeng maging mabilis ang mga transaksyon mo lalo na sa gobyerno..
6. sa iba pang kaparaanan.. (wala na kasi akong maisip)

Nais ng tao na mabilisan sa lahat ng bagay. Nais niyang komportable sa buhay at hindi na magkikikilos at ang gagawin nalang ay magpapahinga na lamang.

Pero may mga bagay na di magagawa ng mabilisan..

1. Pagpapalaki ng katawan.. kung ginawa mong mabilisan walang mangyayari
2. Proseso ng pag-aaral di pwedeng mabilis yung diskasyon kailangan pinoproseso ng mabuti
3. PAg-ibig-- lalo na di pwedeng mabilisan.
4. Paglalaga ng karne.. ehehe syempre naman
5. Pagdating sa paghahanap ng kasagutan sa isang suliranin kailangang pag-isipan
6. PAgpapasya
7. at iba pa..