February 25, 2010

Kumusta na?

Musta? Hi?

Iyan ang mga katagang sinasambit natin sa mga katext, kaibigang nakakasalamuha sa labas o mga taong matagal na nating di nakikita na sa isang maswerteng panahon ay nasilayan mo siya at makikimusta.

Kumusta na ba ako? Ilang araw na may nagpapagulo ng aking isip.. Maraming tanong at minsa'y panghihina, kawalan ng lakas, pakikisangkot at pagtalik ng lungkot sa buhay... Ngunit noong martes (pebrero 23, 2010) naging masaya ako... Napalitan ng tuwa dahil sa isang paggunita na maaaring magbago ang lahat ng bagay.. Sa Monasterio na nagpagunita na may isang bagay na dapat kong gawin ngunit dapat pag-isipan ng maraming beses.. Masaya ako noong araw na iyon habang namimingwit ako ng mangga... habang nakikipagtimpasaw sa tanawin.. Masaya ang lahat ngunit sa pag-uwi mas naging komplikado ang lahat, naging malalim ang bawat sandali ang bawat pagtunghay sa kalangitan sa pakikipag-usap sa KANYA.

Biyernes ngayon at hanggang sa kasalukuyang minamanikinilya ko ang bawat letrang dumadapo at lumiliwanag sa kasiphayuan... Ito pa rin ay nasa isip.. Pilit na inaalis ngunit nagpapatuloy
sa pag-ikot.. tinitignan ang imposible sa posible... Iniikot ang lahat ng pagkakataon. ang mga bagay na sumisirit sa kalooban, pinapalabas sa kalawakan ngunit bumabalik muli sa akin.. Suriin ang sarili ang kalagayan ng lahat at maghandang isakripisyo ang lahat..

Ibalik ang paksa sa pamagat...

Ang pakikikumustahan ay magbibigay sa akin ng isang masayang ngiti o dili kaya ng pagkakataong ibuhos ang sama ng loob sa iba naway ang masasagot ako ay tama at kung anong ninanasa ng aking puso.

No comments: