
"Walang katumbas na halaga ang isang tagpong nagiging kasangkapan upang ipagpatuloy ang dakilang hangarin ng pagtuturo"
kasama ko dito si Angelo. isang mag-aaral na nagbigay sa akin ng isang araw na pagkintal ng puso na hindi matutumbasan sa ibinigay kong 60 piso.
huwebes iyon ika-4 ng setyembre nang bumalik kami sa eskwela upang magpahinga at ibalita na may napanalunan kaming dalawang mag-aaral. tunay na masaya at nagagalak ako sa oras na iyon.
si Angelo ay humingi sa akin ng perang pambili ng pen na gagamitin niya sa kanyang pagguhit bukas. hindi ako nag-atubiling ibigay ang 6o piso. (3 tig-bebente) na waring nasilayan ko sa kanya ang kaliwanagan ng mga mata dahilan sa pagbigay ko ng sobra pa sa inaakala niyang maibibigay ko.
kinabukasan, nasambit ng batang ito ang baku-bako niyang daang tinatahak sa mundong kanyang ginagalawan. ang sobrang pera palang naibigay ko sa kanya ay nagamit niya na perang pamasahe papunta sa eskwela. labis akong nagtaka at tinanong kung bakit hindi siya binigyan ng pera. nalungkot si angelo at nasambit na "wala po kaming kapera-pera ngayon at hindi pa nagpapadala ng pera si itay sa ibang bansa alam ninyo naman na ang baon ko'y nakukuha ko lamang sa pagtitinda tuwing umaga sa harapan ng isang paaralang elementarya. sir, salamat po doon sa sobrang binigay ninyo" nakintal ako sa nasambit niya at nasabing "Pabayaan mo anak, pinagpapala ang mga taong nagsisikap at alam kong may mangyayaring mabuti sa iyo ngayong araw" waring nagdilang-anghel sa aking tinuran at ang larawan na inyong nakita ay ang tagpong siya'y nagtagumpay sa larangan ng pagguhit ng kartuning. unang gantimpala ang kanyang nakamit. umaapaw sa katuwaan ang aking nadama at parang napawi ang mga hilahil na naramdaman ko sa ilang buwang pagod at walang humpay na pagsasakripiso.
"Ang 60 piso ay anim na pung mahigit pa ang naging katumbas sa akin. 60 pisong nagparanas sa akin sa buhay na punung-puno ng walang-kasinghalagang tuwa na nasa puso at di matutumbasan ng pinakamalaking gusali, pinakamahal na kagamitan sa buong mundo dahil ang tagpong ito'y hindi pangkaraniwan, mahirap hanapin at madalang masumpungan"
No comments:
Post a Comment