October 9, 2008

Zoobic Zafari


"Isang tagpo ng pakikihamok sa tigre, pakikipagtunggali sa ahas at pagsagupa sa tindi ng sikat ng araw"

Ika-20 ng Hulyo ng dalawang libo at walo. Isang mainit, maanghang na paglalayag sa iba't ibang klaseng kahayupan sa Zoobic Zafari.

Sa pagdating ng aking tita at mga pinsan ko buhat sa bansang hapon ay naglibre ang aking maunawain kong itay sa olongapo upang lakbayin ang natatanging lugar na masasabi kung nakakasabik puntahan.

alas-dos y medya ng hapon ng nakatuntong kami sa lugar na ito. kasama ang napakarami kong pinsan, kapatid, mga tita at aking pinakamamahal na lola. naghintay muna kami ng ilang sandali... kinuhanan ko itong kuwago na parang handang magpakuha ng larawan. ang kanyang mabibilog na mata na napakapula, magandang balahibo, maamong pagmumukha ang naghikayat sa akin upang ito'y kunan ko ng masinsinan. napakaraming kuwago pati na agila sa waiting area ng zoobic zafari. pati mga tigre'y hindi rin nagpahuli sa eksena.

Nang tinawag na ang aming grupo. nagsimula na ang aming paglalakbay. aming nasaksihan ang mga iba't ibang klaseng hayop na matatagpuan sa iba't ibang panig ng mundo. sinundan ng mga hayop na kauri ng mga daga. hindi rin nagpahuli sa eksena itong napakahabang leeg ng camel na nagpasaya ng puso ko. napakaamo nitong kumakain ng damo at napakagaang tignan. parang gusto kong sakyan.
lumakad ang ilang oras at kami'y tinakot ng konti sa naglalakihan at makamandag na ahas. kahit nasa kulungan lamang mararamdaman ang kanilang kabangisan. sinabi ng tourguide na ang ilang ahas dito ay nagiging kasangkapan sa ilang programa ng kapuso katulad ng kamandag. kinuhanan ko ang isang ahas na kulay dilaw na napakakinis nitong pagmasdan sa malapitan.
Pagkatapos ng pakikipaglaro sa serpyente dumako kami sa mga tigre. ang pangunahing atraksyon ng lahat. sumakay kami ng isang mahabang sasakyan na wari'y isang tren. sinadya naming sumakay na lamang ng ganitong sasakyan kaysa gamitin ang aming van upang may trill naman kahit paano. nang nasa parte na kami na may tigre kami'y nasabik dahil makikita namin ng malapitan na kumakain ng manok ang isang tigre. umakyat pa sa itaas ang tigre na waring gutom na gutom at handang sumagapa ng makakain.
malapitan namin nakita ang tigre. kinakabahan lamang kami sa aming kasamang tourguide habangpinapakain niya ang tigre. baka ito'y mawalan ng kamay na wala sa oras. napakatulis ng ngipin ng tigre na waring maaari kang nguyain ng pinung-puno. nakakasabik ang mga pangyayari kaya nang matapos ang "Pakikipagtagisan sa Tigre" ay waring naging masaya ang ekspersensya.

napakasaya ng lahat. kitang-kita naman sa aking mukha na kasama ko pa si Kyfer dito habang katabi ko siya sa mahabang waring tren. nababanag ninyo sa likod ang aking mga kasamang pinsan at kapatid na waring gusto pang masilayan ang ilang atraksyon sa zoobic zafari.

October 4, 2008

60 Pesos





"Walang katumbas na halaga ang isang tagpong nagiging kasangkapan upang ipagpatuloy ang dakilang hangarin ng pagtuturo"

kasama ko dito si Angelo. isang mag-aaral na nagbigay sa akin ng isang araw na pagkintal ng puso na hindi matutumbasan sa ibinigay kong 60 piso.

huwebes iyon ika-4 ng setyembre nang bumalik kami sa eskwela upang magpahinga at ibalita na may napanalunan kaming dalawang mag-aaral. tunay na masaya at nagagalak ako sa oras na iyon.
si Angelo ay humingi sa akin ng perang pambili ng pen na gagamitin niya sa kanyang pagguhit bukas. hindi ako nag-atubiling ibigay ang 6o piso. (3 tig-bebente) na waring nasilayan ko sa kanya ang kaliwanagan ng mga mata dahilan sa pagbigay ko ng sobra pa sa inaakala niyang maibibigay ko.
kinabukasan, nasambit ng batang ito ang baku-bako niyang daang tinatahak sa mundong kanyang ginagalawan. ang sobrang pera palang naibigay ko sa kanya ay nagamit niya na perang pamasahe papunta sa eskwela. labis akong nagtaka at tinanong kung bakit hindi siya binigyan ng pera. nalungkot si angelo at nasambit na "wala po kaming kapera-pera ngayon at hindi pa nagpapadala ng pera si itay sa ibang bansa alam ninyo naman na ang baon ko'y nakukuha ko lamang sa pagtitinda tuwing umaga sa harapan ng isang paaralang elementarya. sir, salamat po doon sa sobrang binigay ninyo" nakintal ako sa nasambit niya at nasabing "Pabayaan mo anak, pinagpapala ang mga taong nagsisikap at alam kong may mangyayaring mabuti sa iyo ngayong araw" waring nagdilang-anghel sa aking tinuran at ang larawan na inyong nakita ay ang tagpong siya'y nagtagumpay sa larangan ng pagguhit ng kartuning. unang gantimpala ang kanyang nakamit. umaapaw sa katuwaan ang aking nadama at parang napawi ang mga hilahil na naramdaman ko sa ilang buwang pagod at walang humpay na pagsasakripiso.

"Ang 60 piso ay anim na pung mahigit pa ang naging katumbas sa akin. 60 pisong nagparanas sa akin sa buhay na punung-puno ng walang-kasinghalagang tuwa na nasa puso at di matutumbasan ng pinakamalaking gusali, pinakamahal na kagamitan sa buong mundo dahil ang tagpong ito'y hindi pangkaraniwan, mahirap hanapin at madalang masumpungan"

October 3, 2008

Tisa/Tsalk/Yeso


tatlong salita na kapag pinagsama-sama pare-pareho lamang ang ibig ipakahulugan...
ang isang bagay na ginagamit ko araw-araw... may iba't-ibang kulay madalas gamitin sa pisara. kapag may konseptong gustong idiin. may leksyur kang gustong ipasulat. napakahusay ng bagay na ito.

minsan kapag madalas gamitin. agad nawawala, agad na-uubos. pagkatapos pakinabangin.wala ng halaga. alikabok na lamang silang maituturing. buburahin na naman at may panibagong tisa/yeso/tsalk na naman na paandarin sa pisara.
nauubos na para bang nagpapahiwatig ng buhay...

na lahat tayong mga nilalang ay napupupos at bumabalik sa lupa... ngunit kahit tayo ay napupupos napagtatanto natin na may bakas tayong naiiwan dito sa mundo. na kahit ano man ang itawag sa atin. magkaiba man. iisa ka pa ring haharap sa Poong maykapal upang ihayag ang kabutihang inilaan mo sa kapwa mo.