April 7, 2007

Nagpapatintero ang isipan

Buong araw na wala akong ginagawa sa bahay at napansin ko na nagiging adnormal na ang aking ginagawa basta na lamang pinupuno ko ng pirma ang isang buong papel, papalakpak bigla, sisigaw ng malakas na parang tanga, titingin sa salamin at pagtatawanan ang sarili, talagang sintomas na ito ng isang sakit na tinatawag na WALANG MAGAWA SA BUHAY SYNDROME... hetong linggo ng semana santa ay wala akong ginagawa kundi lumakad na lamang ng lumakad kahit mainit, kahit saan pumupunta, kahit magmukha akong basahan. yung bang para kang pulubi sa lansangan na naghahanap ng matutuluyan...
pero napansin ko na noong mga panahong nagtuturo pa ako ilang linggo lang ang nakalipas eh gusto ko nang magpahinga yung bang magmukmok sa bahay at manood ng telebisyon buong araw siguro kaya ko iyon nasabi ay dahil sa pagod na nararamdaman ko pero ngayon nararamdaman kong gusto ko ng magturo, hinahanap ng katawan ko ang pagtuturo, minsan nga lumabas ako ng bahay mga alas-8 ng gabi iyon, naglalakad-lakad ako't kunwari may tinuturo ako ng konsepto sa aking asignatura o di kaya kunwari unang araw ng klase at nagsesermon ako.
natuklasan ko na kapag gusto mo ang ginagawa mo'y hinahanap mo ito ng madalas...

Ang ayaw ko lang kapag wala kang magawa ay naglalaro kung saan-saan ang isipan mo, kahit ano iniisip mo, kahit sino iniisip mo. nagiging malawak ang iniisip mo tuloy pati napapanaginipan ko "Unusual" yung bang hindi kapani-paniwala. nanaginip ako na pinapagalitan ako ng titser bumagsak ako sa kanyang asignatura at nagmamakaawa daw ako, napakapasaway kong bata. noong nagising ako ay mistulang nabangungot ako't sinabi sa sarili na "AKALA KO TOTOO" paano iyon magiging totoo eh tapos na ako sa pag-aaral.

Balik sa walang ginagawa, masama daw mag-isip ng malaswa sa kapwa mo pero dahil sa malawak ang isipan mo pati ang ibang tao ay naiisipan ko ng malaswa. (Huwag na nating pag-usapan iyon baka makasuhan ako ng Sexual Harrassment)

Pero hindi ko talaga maiwasang magpatintero ang mga diwa sa isip ko.

No comments: