April 9, 2007

Ang Testimonial Program

Alas Tres ng Hapon nang agad akong pumuslit sa eskwelahan at sumakay ng Dyip papuntang Angeles. mga alas-5 yung aming "calltime" sa testimonial Program na inihanda para sa mga pumasa sa Licensure Examination for Teachers. hindi ito pansin ng karamihan sa eskwelahan dahil abala sila sa mga Forms na ewan ko rin kung ilang gabi pa ang pagpupuyatan bago ko matapos ang mga walang lintik na FORMS na iyan.pero nasasabik na ako dahil makakabisita na rin ako sa pamantasang humulma sa akin sa propesyong pinili ko. naging maganda ang daloy ng takbo ng dyip walang masyadong aberya at maganda pa sa pandinig ang mga awiting pinapatugtog ng Dyarber. pumunta muna ako sa tirahan ng lola kung maghanda ng konti, naligo ako't inayos ko ang suot ko, magsusuot sana ako ng LONG SLEEVE pero napansin ni lola kung bakit daw ako naka LONG SLEEVE eh mainit ngayon. napagtanto ko na isuot na lamang ang aking school Uniform kung saan ako nagtuturo tutal hindi naman siya masyadong gusutin at madumi kaya nagpaalam na ako't pumunta sa pamantasang sa pambungad palamang ay nakita ko ang napakalaking karatula ng mga bagong gurong pumasa sa LET at kabilang ako doon. naging maganda ang daloy ng lahat pati ang pagpunta ko sa Chapel na dati kong pinagtatambayan noong isa pa akong mag-aaral sa kolehiyo. hindi naman masyadong nagbago ang lahat nandyan parin yung biruan ng konti at miminsang utusan ka na bumili ng MINERAL WATER ni Ma'am Matet pero ayos lang dahil nakakamis din yung utusan ka at paglingkuran mo ang mga naging Guro at nanay ko na rin kung tutuusin. tinanong ko ang isang EDUCATION STUDENT kung anong oras ba talaga mag-uumpisa ang Program habang abala siya sa kakaletrato sa mga mag-aaral na kunwa-kunwariang nagtratrabaho at ang sabi'y mamaya pa daw 6pm magmimisa muna bago ang program. Biniro ko siya na sana hindi ako magsasalita mamaya sa program dahil wala akong nakahandang talumpati at ang sabi niya'y hindi naman daw ako magsasalita. pagkatapos ng misa ni Among sa mga Graduating students ng isang kolehiyo at pagkatapos naming magpalit ng sapatos ng isang KBS ay kumaripas na ako ng takbo sa pagdarausan ng program. "WOW" ang una kong sinambit habang nakikita ko ang mga mangilang-ngilan kong kaklase't kaibigan na pumasa din sa LET. ang ganda ng pagkakaayos ng mga upuan at ang lahat ng bagay sa paligid pinaghandaan. nalungkot lamang ako ng konti ng biglang sabihin sa aking na magbibigay ako ng Talumpati ngayong gbi "WHAT!" hindi ako handa ang aking nasabi. at to the rescue naman ang mga kapwa ko BSEd na nagsabing "REGGIE KAYA MO IYAN" namis na namin ang mga kwento mo. ginawa naman akong STORY TELLER ng mga ito. pero wala na akong magawa kailangan ko nang umpisahan ang pagsusulat ng aking sasabihin kaya tinuon ko lang ang aking pansin sa aking Bolpen at DIARY na hawak-hawak ko at wala munang kumausap sa akin hangga't hindi ako matapos-tapos sa ginagawa ko. sinasamantala ko ang pagkakataon habang nagmimisa at nag-uumpisa na ang programa. at pagkatapos ng mahigit 30-45 minuto ay natapos ko rin ang isang MINADALING TALUMPATI na hindi ko alam kung magiging maganda ang kinalabasan nito. agad na dumapo ang paru-paro sa aking tiyan nang mapansin kong dumami na ang mga tao sa paligid. at hindi lamang iyon nandoon ang AVP, ang aming DEAN, mga profesor sa kolehiyo at ilang kilalang tao sa pamantasan. pero sabi ni Madel na kaya ko daw iyon huwag akong kabahan. pagkatapos na magbigay ng Talumpati ang Dean, ang AVP at ang presidente ng pamantasan at ang paghahandog ng natatanging awiting kapampangan ng mga CHOIR sa pamantasan ay tinawag na si Christian na siyang unang magbibigay ng talumpati. lalo akong pinapawisan dahil sa malapit ng matapos ang kanyang talumpati at nang tinawag ang pangalan ko ay nagsisigawan ang mga kaklase ko't kamag-aral. at sinimulan ko ito ng mataginting na pagbati sa wikang Filipino. agad silang nagsigawan ng nag-FILIPINO ako sa harap ng mga tao para bang ngayon lang silang nakarinig sa talambuhay ng isang taong nagsasalita ng FILIPINO. iniba ko ang talumpati ko at binigyang diin ang mga hamong kinakaharap ng isang modernong guro sa panahong ngayon. pasasalamat din ang laman ng talumpati sa huling bahagi nito. naging maganda ang daloy ng lahat at hinangan dahil sa taglay kong galing sa wikang aking pinagdalubhasaan. at natuwa rin ako at pinahalagahan ito ng mga propesor at mga tao na nasa paligid namin at nasabi sa sarili na "ANG GALING KO"
at natapos ang programa sa kainan at pag-inom ng red wine at pagpapaalam sa isa't isa.

April 7, 2007

Nagpapatintero ang isipan

Buong araw na wala akong ginagawa sa bahay at napansin ko na nagiging adnormal na ang aking ginagawa basta na lamang pinupuno ko ng pirma ang isang buong papel, papalakpak bigla, sisigaw ng malakas na parang tanga, titingin sa salamin at pagtatawanan ang sarili, talagang sintomas na ito ng isang sakit na tinatawag na WALANG MAGAWA SA BUHAY SYNDROME... hetong linggo ng semana santa ay wala akong ginagawa kundi lumakad na lamang ng lumakad kahit mainit, kahit saan pumupunta, kahit magmukha akong basahan. yung bang para kang pulubi sa lansangan na naghahanap ng matutuluyan...
pero napansin ko na noong mga panahong nagtuturo pa ako ilang linggo lang ang nakalipas eh gusto ko nang magpahinga yung bang magmukmok sa bahay at manood ng telebisyon buong araw siguro kaya ko iyon nasabi ay dahil sa pagod na nararamdaman ko pero ngayon nararamdaman kong gusto ko ng magturo, hinahanap ng katawan ko ang pagtuturo, minsan nga lumabas ako ng bahay mga alas-8 ng gabi iyon, naglalakad-lakad ako't kunwari may tinuturo ako ng konsepto sa aking asignatura o di kaya kunwari unang araw ng klase at nagsesermon ako.
natuklasan ko na kapag gusto mo ang ginagawa mo'y hinahanap mo ito ng madalas...

Ang ayaw ko lang kapag wala kang magawa ay naglalaro kung saan-saan ang isipan mo, kahit ano iniisip mo, kahit sino iniisip mo. nagiging malawak ang iniisip mo tuloy pati napapanaginipan ko "Unusual" yung bang hindi kapani-paniwala. nanaginip ako na pinapagalitan ako ng titser bumagsak ako sa kanyang asignatura at nagmamakaawa daw ako, napakapasaway kong bata. noong nagising ako ay mistulang nabangungot ako't sinabi sa sarili na "AKALA KO TOTOO" paano iyon magiging totoo eh tapos na ako sa pag-aaral.

Balik sa walang ginagawa, masama daw mag-isip ng malaswa sa kapwa mo pero dahil sa malawak ang isipan mo pati ang ibang tao ay naiisipan ko ng malaswa. (Huwag na nating pag-usapan iyon baka makasuhan ako ng Sexual Harrassment)

Pero hindi ko talaga maiwasang magpatintero ang mga diwa sa isip ko.