March 9, 2011

2am

Gising pa ako ngayong oras.. bakit dahil sa isang pag-ibig. Kailangan ko na siyang kalimutan dahil hindi kami para sa isa't isa. Hindi niya ako pinaagkakatiwalaan at di ko alam ang pinagagawa niya. Walang-hiya siya binigay ko ANG LAHAT sa kanya. Lahat ng pagmamahal.hindi lang 100% percent sobra pa don. Pero parang wala lang sa kanya. Nakakainis siya hinintayko hanggang madaling-araw tapos sasabihin niya sa akin napapatulog na siya. Anong klaseng tao iyan. Itext niya raw ako tapos anong sasabihin niyang nagtext na siya. Napakawalang-hiya. Naiinis ako kasi minahal ko siya. Gusto ko ng alisin sa isipan ang pagmumukha pati pangalan niya ayaw ko ng marinig.Sino siya ang pangit-pangit niya. Wala namang siyangkwentang tao. Basta naiinis ako.Inisnainis. Grrrr

January 5, 2011

Metamorposis

may pagbabagong magaganap sa akin pagkatapos ng taunang panunuran. Maaaring ito na rin ang huli kong taon sa pagtuturo. Hindi ko na nakikita ang sarili ko sa kasalukuyan na magtuturo pa dahil sa kawalan ng inspirasyong nababanaag. Isang hakbang na gagawin ko sa buhay at sana'y malampasan ko. Masakit alam ko ang pagbabagong magaganap at gagawin ko ito upang hanapin ang tunay na kaligayahan

November 18, 2010

Pagninilay

minsan naisip ko kung nais ng Panginoon na magturo ako habang buhay? dahil ngayon nalulungkot ako wala na akong tamang ginagawa,hindi na ako epektibo sa ginagawa ko. wala nang saysay pa na magpatuloy ako sa ginagawa ko. Hindi na ako nagiging makabuluhan at wala na ring halaga dahil wala naman akong nakikitang pag-asensyo sa ngayon. Napapagod na ako, ayaw ko na mang buong buhay ko masiil ako sa napakalungkot at nakakadenang pagdurusa. Totoo man nakakawalang-gana.nakakawalan ng inspirasyon at wala na akong kasiyahan.

August 24, 2010

Ing Matiyagang Butiki

Metung yang pinakamaynang butiki i Butchiki keng kisami ning Bale da ri Pamilya.Rosales. Pane reng bubusitan ampong iinsultuwan i Butchiki dahil keng maina ya ping Butiki. Patse mangwa na lang pamangan a susulapo kalupa da reng lamuk ampong reng panas eya makakwa kasi eya pakanta kaliksi kalupa dareng aliwang Butiki kaya malulunus ya kaya i Bikiti ing tatang ng Butchiki. "Anak, tandanan mu kailangan kang maging maliksi para kumabye kang masalese keti kisami" ing sabi ning kayang tatang. "Opu, pero maina ku tang" ing malungkut a pangasabi ng Butchiki. Alalala na i Bikiti ing kayang pagkaanak kang Butchiki kaya sabi na. "Magsane ka anak antabayan daka" Bengi-bengi diyang mapagal ne i Bikiti sasane ne ing anak nang maging maliksi. Bengi-bengi tuturu ne i Butchiking aliwa-liwang pamangwang pamangan. Nekatiyaga ing tatang a turu ing kayang anak at aramdaman na ita i Butchiki kaya lalu na pang mepasikan lub na maging biyasa ampong maliksi. Hanggang keng pamagtiyaga meging maliksi ne i Butchiki at pinakabiyasa at matapang a butiki keng kisami ning Pamilya Rosales.

Kultura - Ing Tatang a Kapampangan mapanyaup ya at ene pabren ing keyang anak

Mahalagang Kaisipan - Ang tiyaga ay may kaakibat na pagpupunyagi

August 13, 2010

Hindi Permanente, walang kasiguraduhan

May pagkakataong maiisip mong bigla ang isang bagay - - - hindi mo angkin ang panahon pati ang oras, ang bawat sandali ay kailangang namnamin, pati ang mga sandaling kapiling mo ang mga taong nasa paligid, pati mga mahal sa buhay, ang mga masasayang sandali ay hindi mo maangking lubusan dahil may darating na kahinagpisan pagkatapos. Kung nagmamahal ka sa isang takdang panahon. hindi permanente, walang kasiguraduhan. Heto ang mga bagay na napagtatanto ko ngayong araw. Masakit mang isipin na hindi magiging sa iyo at maangking sa iyo ang isang tao. Hindi mo mahahawakan ang oras niya pati ang kanyang puso. Hindi mo masisiguro ang katapatan, hindi mo masisiguro ang kanyang kalooban ay para lang sa iyo. Bakit kaya ganyan? marami kang pagdadaanan, marami kang kalungkutang kailangang lampasan. Minsan mananaginip ka na lang na papanaw ang pinakamamahal mo- - na hahantong sa pagkalungkot ko. Na sa pagpunta sa kanila'y wala SIYA. Naintindihan ko ang takbo ng kanyang piniling daan. Pero bigla lang akong nalungkot na agaran ko namang isinulat dito sa blogsite ko. Totoong kapag umiibig hindi mo angkin ang lahat. Hindi magiging sa iyo kailangan man. Kahit bawal o hindi man. Kahit patago at lantad. Lahat ng iyan kukunin sa iyo. Lahat magiging bahagi na lang ng alaala na minsa'y pwede pang ulitin pero ang masakit kung hindi mo na mauulit pa. :-(

August 1, 2010

Uno Agosto, dalawang libo at dyes

May pagbabagong dapat kong gawin sa araw na ito sa pagsisimula ng agosto. at heto ay ang iwan ang isang bagay na nagbibigay ng kaguluhan at walang kapayapaan sa aking puso. Alam mo ngayog umaga ay nauntog ako sa isang katotohanan na dapat ko na SIYANG iwan. dahil hindi tama ang aking ginagawa. Hindi ko na dapat siyang itetext kung di man lang nagtetext sa akin. o pupuntalan sa bahay na wala namang matinding dahilan. May sarili akong buhay at may sariling kakayahan na mahalin ang sarili at iba at hindi kailangang ilugmok ang sarili sa mga bagay na magsasabi na -- "WALANG NAGMAMAHAL, WALANG KUMAKALINGA" dahil ang totoo ang Panginoon ay sapat na upang makaramdam ako ng pagmamahal. Ayaw ko ng ulit mangyari iyon at ayaw ko na SIYANg mahalin. (siguro pagmamahal nalang ng isang kaibigan) dapat labanan ang damdamin. labanan ang mapaniil na damdaming naghahatid sa iyo ng walang kapayapaang kalooban. Bagong buwan, bagong tatahaking landas. kailangan kong iwan ang marumi at basahan, ang balukyot at masama para sa pagtahak sa payapa at tahimik na pamumuhay at batid ko malalabanan ko ito kasama ang Panginoon. Veni Sancte Espiritu.

July 20, 2010

Komplekado

minsan kailangang ibulalas ang mga bagay na nasa kalooban para mapanatag ka.. isa na rito ang mga bagay na nararanasan ko ngayon.. (salamat na lang may sarili akong blogsite)
Nakakainis lang na may mga bagay na napakakomplekado pero kailangang kong lampasan para maging matatag ako. may mga pagsubok na nagpapahina sa iyong pananalig. minsan sumusuko na ako, minsan sinasabi ko ayaw ko na.. naguguluhan at minsan nalulungkot.. napakaraming dapat isaisip. kung hindi mo ako maintindihan ayos lang basta komplekado.. hindi ko alam kung malalampasan ko ito pero dapat may madadaanan akong lugar na makababalik ako sa daan na gusto kong piliin.. na mga pagkakataong payapa ka ay may manggugulo.. naintindihan ko ang mga iyon.. kaya sana malabanan ko.. sana..