April 15, 2010

:_(

May mga bagay na di ka makakapag-isip ng tamang pamagat sa isang gagawing akda.. ang isang bagay na galing sa isip at galing din sa puso kapag alam mong may hapdi at kirot, kapag batid mong di pwedeng bigyang ng pamagat. mananatili na lang ng ganito.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang tumanggi sa isang bagay na kailangan.. naiinis ako dahil hindi ako binigyan ng pagkakataong magsalita, umayaw sa isang bagay na hindi dapat at sumang-ayon sa gusto ko. nakakainis lang na nilalayo ako sa gusto ko na alam ko na ang Panginoon ang nakakaalam ng lahat. Nahihiya ako sa kanya, nalulungkot ako dahil lumalayo ako sa kanya. lumalayo na alam kong kaya kong lumapit. SIYA na kailangan ko sa lahat ng bagay na inuuna ko pa ang walang kakwenta-kwentang pakikisama.. Unfair ako sa Panginoon.. Napaka unfair ko. Sabi ko sa kanya MAHAL KITA pero binigyan lang ako ng isang pagsubok napatangay na ako. Napakahina ko. Batid kong ang kalungkutan na nadarama ko ay nararamdaman ng buo kong katawan.. Sinasayang ko sa walang kakwenta-kwentang bagay ang sarili ko imbis na maglingkod sa kanya.. Gusto kong bumalik sa inyo Panginoon. Nahihiya po ako samga ginawa ko.

Marami akong realization ngayon na dapat kong baguhin at tandaan.. "May Sarili akong isip na dapat kong paganahin sa wasto at kung ano ang nararamdaman"

Patawad po Panginoon