December 21, 2009

Pitchuran



oh pause muna tayo. click.. isa pa... click... click... click...

MAdali na lang ngayon makakuha ng larawan.,. at ibahagi ito sa iba.. madali ang makipagkonektahan at mapagtanto ang mga pangyayaring mahahalaga sa mga kaklase, kaibigan, minamahal kahit hindi nakikita sa pamamagitan lamang ng mga nakuhang larawan.. sa cellphone man Digicamera atbp.. dati rati kailangan mong ipadevelop pa ang mga larawan ngunit ngayon hindi mo lang pwedeng makita agad pwede mo ring i edit para ma enchance mo pa ng lalo at mapatingkad ang kagandahan ng picture..

Bahagi ng buhay ng tao ang sariwain at balikan ang mga alaala at mahahalagang pangyayari. masaya ang isang tao lalo na't nakikita niya ang kanyang sarili sa tinatahak niyang buhay..

kaya tara picturan tayo.. ehe

December 8, 2009

DISYEMBRE

ILang linggo na lang at matatapos na ang klase ngayong taon... Yahuu!!! Dalawang linggong pahinga at dalawang linggong masaya... kahit malamig ang panahon ay umiinit naman yung matatanggap kong aguinaldo lalo na magbibigay ng bonus si BOKING at GMA.. Sana maraming mangyayaring maganda sa huling buwan ng taong ito...

Sabagay marami ring good things yung naranasan ko ngayong taon katulad ng pagiging speaker noong bakasyon... Paglelead every month sa prayer meeting at pagwapong imahe sa mga ilang nakakapansin... eheheh..

Kaso sa kalagitnaan ng kasiyahan di parin nawawala sa akin ang lungkot.. lungkot na hindi ko alam kung anong kasagutan o susi nito.. minsa'y tinataong ko na lang ang kalangitan... tumitingin sa pagsayaw ng mga dahon habang sumisinag sa aking mata ang liwanag ng araw... ano bang kalutasan ng kalungkutan? Kahit hindi DISYEMBRE talagang humahagupit sa akin ang lungkot lalo na kapag nag-iisa ako..