August 3, 2009

Intindi at ilang panlaping maaring iugnay

Salitang lagis kong nagagawa sa buhay ko... lagi akong umiintindi... sa mga oras na may pangyayaring nagaganap sa pamilya ko... iniintindi ko, lagi kong binibigyang interpretasyon, hindi muna ako humuhusga.. Napakadali kong malaman ang lahat sa kilos ng tao kung anong gusto niyang ipahiwatig kaya lagi kong alam kung anong gagawin ko...

Minsan kahit na hindi ako intindihin ay ayos lang sa akin... Likas naman sa akin iyon.. Katulad ng nararamdaman ko ngayon hinihintay ko si itay eksaktong 6:20 ng gabi nandito ako sa kanyang shop gutum na gutom, pagod, pero hinihintay ko't iniintindi... Mahirap talagang nasanay kang maging mabait at lagi kang umiintindi sa lahat... tutal ipinanganak tayong dapat magmahal at ang isang elemento noon ay pag-iintindi... Tumitiklop na ang mga mata ko habang nakaharap sa monitor... pinipilit binubuhay ang saglit at panahon, ang sayang nalalabi at ang paglipas ng mga suliraning may mabawas at umalis pero may darating...

Hindi ako madaling mapagod ngunit ang puso'y madaling magsawa sa kakaintindi, sumasakit din ang loob ko na basta ko na lamang pinapaanod sa ilog ng kalungkutan. nababanaag ko sa aking isipan ang isang kandilang lumulutang sa ilog na nagpapahiwatig ng paglutang ng mga hinakit sa buhay...

Iniintindi ko rin ang lahat na may pagkakataong hindi ko rin maintindihan kung bakit at kung ikaw nalilito ka pagpasensyahan mo na lang dahil tumatakbo ang isip ko ngayon at pinipintot ang mga letra sa keyboard ng komputer at bahala na ang daloy ng isipang tumakbo sa blog na ito... ang alam ko lang sa blog na ito kahit hindi sa umiimik at tumutugon sa akin tinatanggap niya ang blog na ito at mapopost kahit konti lang ang magbasa... kung sanang intindihin ito ng maayos ng mga taong magbabasa nito at pinahalagahan ako tiyak na walang hanggan ang pagngiti ko ngayon.

Tulad noong minsang pinahalagahan ng isang mag-aaral ang blog ko natuwa ako at naintindihan ako at isang regalo iyong di matutumbasan ng ano pa man.

Sana pagkatapos nito nagkaintindihan tayo