September 21, 2008

Agiw


Kulang na sa isang taon at aagawin na talaga ang aking blogspot...

Sa mundong puno ng pagkaabala hindi ko na tuloy napakealaman kung kumusta na ang blog na ito?

Kumusta? Nagiging abala ako sa lahat ng mga gawain sa paaralan. abalang hindi yata matatapos.

maraming bagay na dapat asikasuhin...

kaya maswerte ka blog at nakapagsusulat ako dito...

Punta na tayo sa konseptong kailangang pa-ekspawnd ika nga!

May mga bagay sa ating pagkatao na inaaagiw katulad ng madalas paglimot sa isang bagay (Inaagiw na ang utak mo) o di kaya ang katamarang ginagawa sa kwarto't dahil sa kinakatamaran na sasabihin sa iyo na "Inaagiw na ang iyong kwarto linisin mo na ito" mas mainam na palagi kang malinis hindi lang sa katauhang panlabas gayun na rin sa katauhang panloob... madalas kasing agiwin ang katauhang panloob lalung-lalo na kapag lagi kang gumagawa ng mali sa ibang tao....

Isang Eksena sa amin:
Nalulungkot ako dun sa katabi naming bahay na binigyan ko ng kanin at ulam kani-kanina lang... akala ko napagalitan ang matanda sa kanyang anak dahil humingi siya ng pagkain sa akin---- yun pala may mas malalim pang dahilan iyon.... naalala ko yung lola ko kapag nakikita ang matandang iyon... hindi ko na masyadong nakakausap o nabibisita ang lola ko. sana sa kaarawan niya makapunta ako... sana hindi agiwin ng isip ko ang pagmamahal ko sa aking lola... hindi sana agiwin ng anak ang pagmamahal niya sa kanyang ina... maalis sana ang agiw at magpatuloy sa pagmamahal sa isa't isa.