Kung iyong pakalilirimin ang salitang nakikita ay may dalawang kahulugang maaaring ibigay ayon sa nabasa kong libro ukol sa Pilosopiyang Filipino.
1. Konseptong Literal na kung saan ang salitang nakikita ay ginagamit sa mga bagay na nakikita, Halimbawa: nakita kong kinuha mo ang aking lapis, nakita ko ang iyong ginawa kanina, nakita siyang may kasamang ibang babae. na nagpapahiwatig ng mga bagay na nakikita ng dalawa mong mata. yung abot ng iyong paningin.
2. Konseptong Abstrako na kung saan sinasambit mo ang salitang "Nakikita" ngunit hindi mo man ito nakikita o dili kaya nahahawakan man lamang, nakikita na hindi naman nakikita. Halimbawa nito ay ang mga sitwasyong tulad nito.
Sitwasyon: Aba! Nakikita kong nagpupursige kayo sa inyong pag-aaral kaya matitiyak kong papasa kayo sa pagsusulit., Nakikita kong busilak ang iyong puso at handang tumulong sa ibang tao, Nakikita ko naman sa kanya na mabait siya.
kung iyong titignan ay waring abstrako lamang ang iyong nakikita, hindi mo man ito nakikita ngunit ito'y iyong naramdaman. ginamit ang salitang nakikita na ginagamit sa paningin na sa pagkagamit ay nagpapahatid ito ng nararamdaman ng isang tao.
Waring ang "Nakikita" sa pangalawang konsepto ay mas malalim na kahulugan ng "nakikita" hindi lamang ang paningin ang pinapairal kundi pati narin ang damdamin. nakikita mo ang kalooban ang kalaliman ng isang tao.
Wala lang nabasa ko lang at gusto kong isulat para sa inyong inpormasyon...Pagpalain!