June 11, 2007

Sa Daigdig ng Pampublikong Paaralan

totoong isang malaking kahibangan ang pumasok sa mundong punong-puno ng kakulangan at karumihan... higit akong natuwa sa pagpasok ko dito ngunit batid ko rin ang nagbabadyang hirap at sakripisyong dadaanin ko. alam kong makakaharap ko sa isang klase hindi apatnapung estudyante o limangpu o animnapu kundi higit sa pitongpung iba't ibang klaseng estudyante.. makakaranas ng minsang hindi magsusuweldo sa tamang panahon, makakasalamuha ng mangilan-ngilang problema pagdating sa estudyante. hindi mo rin maiwasang makita ang karumihan ng pamahalaan na patuloy na nagiging kultura at normal na sitwasyon sa Pilipinas na hindi na yata maaalis...
at higit sa lahat ito'y isang daigdig na pilit mong babaguhin sa iyong walang sawang pag-alala at pag-unawa. paano ko ba pipiliting huwag ng magtrabaho sa ibang bansa gayung masisilayan mo ang magandang kinabukasang naghihintay sa'yo ngunit dito'y isang napakalaking bangungot ang mararanasan mo. paano mo ipapaintindi sa mga "Murang Kaisipan" na may pag-asa pa ang ating bayan gayung may iilang taong nagsasamantala sa kanila at nararamdamang wala silang kalaban-laban...
Alam kong umpisa palamang ito ng isang daigdig na sobrang kakaiba sa lahat

June 5, 2007

Isang pagpapala

isang masigabong pagpapala sa lahat lalung-lalo na sa Diyos. ang kasiyahan ko'y walang katulad. alam mo ba napakasaya ko dahi nasa pampublikong paaralan na ako... sobrang kasayahan. ang lahat ng pagdududa ng kakayahan sa aking sarili ay lubusan kong nasilayan. sobrang galing ng Panginoon... ngayon ko napatunayan na ang mga taong nagsisikap ay tunay na pinagpapala. walang hanggan ang naramdaman ko... ilang araw na ako nag-uumpisang magturo, kahit pagod ay kasiyahan pa rin ang nadarama. napatunayan ko rin ang kagalingan ko, ang pusong patuloy na nagpapasakit at umuunawa...

Sobra ang kasiyahan waring napapaiyak ako sa napakagandang pagpapala...

salamat po